Ipinamalas ng ilang maritime cadets ang pagbabayanihan matapos silang mag-ambagan para tulungan ang isang lolong magtataho na natapon ang paninda sa Pasay City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing natisod noon ang senior citizen na magtataho dahilan para matapon ang kaniyang itinitinda.
Nagkalat sa sidewalk ang taho, na ibebenta sana ni lolo para sa kaniyang kita sa buong araw.
Nakita ng ilang maritime cadets ang pagkatisod ni lolo kaya hindi sila nag-atubiling mag-ambagan ng pera at iniabot nila ito kay manong.
Nagsilbing inspirasyon ang mga estudyante sa netizens. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
