Pumanaw sa edad na 44 ang executive ng Rustan Commercial Corporation na si Paolo Tantoco.

“It is with great sorrow that we share the sudden passing of our son Paolo 'Paowee' Tantoco. We are devastated by our loss and kindly request for your prayers for Paowee and our family," saad ng mga magulang ni Paolo na sina Rico at Nena Tantoco, sa inilabas na pahayag na naka-post sa social media account ng kapatid na si Donnie Tantoco.

Magdaraos ng novena Masses para kay Paolo sa March 10 hanggang 17.

Ang huling novena Mass ay gagawin sa Rico's Café, Nena's Sanctuary, Sta. Elena sa ganap na 5 p.m.

Si Paolo ang assistant vice president for administration ng kompanya na itinatag ng kaniyang pamilya.

Naulila sa pagpanaw ni Paolo ang kaniyang maybahay na si Deputy Social Secretary Dina Arroyo-Tantoco, at mga anak na sina Alana, Bella, at Zach. — FRJ, GMA Integrated News