Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na walang katotohanan na inaresto sa Amerika si First Lady Louise ''Liza'' Araneta-Marcos.

''There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,'' sabi ni Castro sa mga mamamahayag nitong Huwebes.

Idinagdag ni Castro na dumating sa bansa ang Unang Ginang nitong Lunes ng umaga.

Nagtungo si Gng. Marcos sa Miami, Florida at Los Angeles, California mula March 5 hanggang 8, para sa isang working visit kung saan dumalo siya sa Meeting of the Minds at Manila International Film Festival.

Nitong  March 11, pinangunahan niya ang pagkakaloob ng donasyon sa Girl Scouts of the Philippines sa kaniyang tanggapan sa Maynila. — mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News