Binaril at napatay ang isang nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist ng mga salaring sakay ng motorsiklo sa Sampaloc, Manila ngayong Lunes ng hapon.

Sa ulat ni Christian Maño’s sa Super Radyo dzBB, kinilala ang biktima na si Leninsky Bacud, dating barangay chairman. Isinugod siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

 

 

Nangyari ang pamamaril sa P. Guevarra Street sa Barangay 435, Zone 44 sa Sampaloc, bago mag-6:00 pm.

 

 

May nakaengkuwentro rin umanong pulis na residente sa lugar ang mga salarin, at ilang sasakyan ang tinamaan ng bala.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District’s homicide division ang insidente. — FRJ, GMA Integrated News