Nasawi ang isang lalaki matapos tarakan ng patalim sa ulo ng suspek na kaniyang katrabaho at pinatira pa niya sa kaniyang bahay sa Sampaloc, Manila.Sa ulat ni Jhomer Apresto sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang krimen nitong Martes ng umaga.Magkasama umano ang biktima na si "Rod," 'di niya tunay na pangalan, at ang suspek sa pagdidikit ng campaign materials ng kandidato.Sa CCTV footage, makikita ang biktima at kapatid nitong si "Mike," na nakaupo sa labas ng bahay nang hampasin at sipain ng suspek si Rod.Maya-maya lang bumunot na ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak sa katawan ang biktima. Hanggang sa itinarak na ng suspek sa bungo ng biktima ang patalim na dahilan para matumba ito.Ang kapatid ng biktima, tumakbo palayo.Bago umalis sakay ng motorsiklo, tila tiningnan pa ng suspek ang biktima hanggang sa bawian ng buhay.Inaresto ang kapatidKinagabihan, inaresto ang kapatid ng biktima na si Mike dahil sa pagwawala sa harapan ng barangay at tinangka umanong saksakin ang isa sa mga kagawad ng Barangay 447.“Bigla niyang hinugot [yung kutsilyo at] hinabol ako, siyempre tumakbo ako. Nakakita ako ng kahoy o sige sumugod ka… ‘Yun na nga, may dumating na pulis. Nakita po nila, dalawang kutsilyo ang nakuha ng pulis," ayon kay kagawad Vicente Brutas.Paliwanag ni Mike, pangdepensa lang niya ang patalim dahil nagpadala umano ng text message ang suspek na pumatay sa kaniyang kapatid at pinagbabantaan siya at ang kaniyang pamilya kapag naghiganti sila.Ayon kay Mike, may isang buwan nang nakatira ang suspek sa bahay ng biktima. Pero nag-away ang dalawa nang paalisin na ng biktima ang suspek.“Eh pinapalayas na nga siya kasi may dala siyang 'bato,' kung sino-sino pinapaakyat… Dahil sa'yo, Boy, na may kutsilyo ako! Pati ako makukulong dahil sa ginagawa mo," hinanakit ni Mike.Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek. — FRJ, GMA Integrated News