Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ang 52 party-list groups na nanalp sa katatapos na Eleksyon 2025. Pero dalawa sa mga ito ang ipinagpaliban ang proklamasyon.

Sa proklamasyon na idinaos sa Manila Hotel Tent City, hindi isinama ang Duterte Youth na nakakuha ng tatlong upuan para maging kinatawan sa Kamara de Representantes, at ang Bagong Henerasyon na may isang upuan.

Ang Akbayan Partylist, ang mayroong pinakamaraming boto sa party-list election na nakakuha ng tatlong upuan sa Kamara papasok na 20th Congress.

Tatlong upuan din ang nakuha ng Tingog Partylist, na ang kasalukuyang kinatawan ay si Representative Yedda Romualdez, na asawa ni House Speaker Martin Romualdez.

Narito ang mga party-list organization na nagwagi:

With three seats

1. Akbayan - 2,779,621 - 6.63%
2. Duterte Youth - 2,338,564 - 5.57%
3. Tingog - 1,822,708 - 4.34%

Party-list organizations with two seats
4. 4Ps - 1,469,571 - 3.50%
5. ACT-CIS - 1,239,930 - 2.96%
6. Ako Bicol - 1,073,119 - 2.56%

Party-list organizations with one seat

7. USWAG-llonggo - 777,754 - 1.85%
8. Solid North - 765,322 - 1.82%
9. Trabaho - 709,283 - 1.69%
10. Cibac - 593,911 - 1.42%
11. Malasakit@bayanihan - 580,100 - 1.38%
12. Senior Citizen - 577,753 - 1.38%
13. PPP - 575,762 - 1.37%
14. ML - 547,949 - 1.31%
15. FPJ Panday Bayanihan - 538,003 - 1.28%
16. United Senior Citizens - 533,913 - 1.27%
17. 4K - 521,592 - 1.24%
18. LPGMA - 517,833 - 1.23%
19. COOP-NATCCO - 509,913 - 1.22%
20. AKO BISAYA - 477796 - 1.14%
21. CWS - 477,517 - 1.14%
22. PINOY WORKERS - 475,985 - 1.13%
23. AGAP - 489, 412 - 1.12%
24. ASENSO PINOY - 423,133 - 1.01%
25. AGIMAT - 420, 813 - 1.00%
26. TGP - 407,922 - 0.97%
27. SAGIP - 405,297 - 0.97%
28. ALONA - 393,684 - 0.94%
29. 1-RIDER PARTYLIST - 385,700 - 0.92%
30. KAMANGGAGAWA - 382,657 - 0.91%
31. GP (GALING SA PUSO) - 381,880 - 0.91%
32. KAMALAYAN - 381,437 - 0.91%
33. BICOL SARO - 366, 177 - 0.87%
34. KUSUG TAUSUG - 365,916 - 0.87%
35. ACT-TEACHERS - 353,631 - 0.84%
36. ONE COOP - 334,098 - 0.80%
37. KM NGAYON NA - 324,405 - 0.77%
38. ABAMIN - 320, 349 - 0.76%
39. BH - BAGONG HENERASYON - 319,603 - 0.76%
40. TUCP - 314, 814 - 0.75%
41. KABATAAN - 312,344 - 0.74%
42. APEC - 310,427 - 0.74%
43. MAGBUBUKID - 310, 289 - 0.74%
44. 1TAHANAN - 309,761 - 0.74%
45. AKO ILOCANO AKO - 301,406 - 0.72%
46. MANILA TEACHERS - 301,291 - 0.72%
47. NANAY - 293,430 - 0.70%
48. KAPUSO PM - 293,146 - 0.70%
49. SSS-GSIS PENSYONADO - 290,359 - 0.69%
50. DUMPER PTDA - 279, 532 - 0.67%
51. ABANG LINGKOD - 274,735 - 0.65%
52. PUSONG PINOY - 266.623 - 0.64%
53. SWERTE - 261, 379 - 0.62%
54. PHILRECA - 261, 045 - 0.62%

'Di nakasama

Samantala, hindi naman nakasama sa proklamasyon ang nanalong Duterte Youth at Bagong Henerasyon Party-list groups dahil sa may kinakaharap itong mga "petisyon."

“In its recommendation dated May 17, 2025, the supervisory committee has recommended the suspension of the proclamation of Duterte Youth Partylist and BH Bagong Henerasyon due to the following pending petitions filed before the Clerk of the Commission,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

“Considering the serious allegations raised in the above petitions which involved grave violation of election laws, the National Board of Canvassers resolves to suspend the proclamation of Duterte Youth Party-list and Bagong Henerasyon Party-list until the speedy and judicious resolution of the petitions filed before the Clerk of Commission,” dagdag nito.

Sa pahayag, umalma ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon sa hindi nila pagkakasama sa proklamasyon.

“A few hours before the proclamation of all party-list congressman today, Comelec informed the Duterte Youth party-list that it will temporarily suspend the proclamation of our three congressmen-elect. We are elected by more than 2.3 million Filipinos but are currently being derailed deliberately by Comelec,” saadng Duterte Youth party-list.

Giit ng grupo, hindi sila ang dapat sisihin kung hindi naaksyunan ng Comelec ang isang petisyon noong 2019 na kumukuwestiyon sa kanilang paghahain ng registration bilang party-list group.

Iginiit pa nila na nagawa pa nilang makabahagi sa mga nagdaang halalan noong 2019, 2022, at 2025.

“It is not the fault of the Duterte Youth party-list if the Comelec did not dismiss that 'hao shiao case' (bogus) after its the last hearing in 2019, and now Comelec is trying to subvert the votes of the Filipino People by delaying a proclamation scheduled today,” anang Duterte Youth.

“This is definitely a grave abuse of discretion [on the part of the Comelec].  Hayaan ninyo kami umupo, maging [parte ng] oposisyon, para hindi naman maging rubber stamp ang Kongreso,” dagdag nito.

Inihayag naman ng Bagong Henerasyon party-list, na hindi nila alam ang tungkol sa ano mang reklamo laban sa kanilang grupo.

“Today, without warning and without any prior notice, the Comelec abruptly announced the suspension of our proclamation as a duly elected party-list in the House of Representatives. No explanation, no copy of any complaint, no summons, no opportunity to respond,” ayon sa Bagong Henerasyon party-list.

“Let us be clear: Bagong Henerasyon has not received, seen, or even been informed of this supposed [pending] case [against us]. How can we be held to account for an accusation that remains invisible—unnamed, unheard, and unexplained? And more importantly: how can 319,803 Filipinos be silenced so easily?” dagdag nito.

Binanggit ng Bagong Henerasyon ang Comelec rules na dapat isagawa ang proklamasyon hanggang walang desisyon na pinal na inilalabas tungkol sa isang kaso.

“In this case—where no complaint has even been furnished to us, much less ruled upon—how can a suspension be justified? We ask not just for fairness, but for respect—for the vote, for the voice, for the will of the Filipino people," anang Bagong Henerasyon.

"Bagong Henerasyon stands ready to respond to any complaint, anytime, anywhere. But until such a complaint is properly disclosed and due process is afforded, the suspension of our proclamation—and the disenfranchisement of 319,803 voters—is not only unjust. It is unconstitutional,” sabi pa ng grupo.-- mula sa ulat ni Hana Bordey/FRJ, GMA Integrated News