Hindi itinago ni Heath Jornales ang kaniyang paghanga at pagiging proud kay “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” Big Winner Caprice Cayetano.

“Nagkagusto ka ba ng kahit kaunting katiting, kay Caprice?” tanong ni Tito Boy kay Heath, na guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kapwa "PBB Collab 2.0" 2nd Big Placer Krystal Mejes.

“Well, si Caprice po, I admire her so much. And I'm really proud of her. I'm really proud of her po na she's gone so far po. And ‘yun, she's really great,” tugon ni Heath.

Biro ni Tito Boy kay Heath, “Pero, hindi mo pa rin sinasagot ang aking tanong.”

Sa “Fast Talk” segment, tinanong si Heath kung mayroon siyang secret crush sa loob ng Bahay ni Kuya. "No," ang tugon niya.

Tinanong pa si Heath tungkol sa pag-ship sa kanila ni Caprice ng fans, na ipinagpasalamat ng aktor sa suportang kanilang natatanggap.

“‘Yung reaction ko po na nakita ko po na we were being shipped together, natuwa po ako nang sobra kasi nakita ko po na ang dami po naming supporters. Lahat na po na ginawa po namin sa Bahay ni Kuya, natuwa po ako na nagustuhan po ng fans po,” sabi niya.

Maging ang kaniyang mga magulang, suportado ang kanilang pares, na tinatawag ng fans bilang “CapEath.”

“Yeah. They support din naman po. Nakikita ko po ‘yung support po nila,” anang Sparkle actor.

Ibinahagi rin ni Heath ang kaniyang reaksyon nang malamang magkakasama sila ni Caprice sa isang proyekto.

“Natuwa po ako. I was really surprised na magkakaroon kami ng project, pero I haven’t really talked to the management about it. Or I don’t really know much about it po pero I’m really excited to see what it will go po,” sabi niya. – Carby Rose Basina/Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News