Isang mananaya ang mapalad na nanalo ng P102 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ngayong Martes, June 3, 2025.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa naturang draw ay 05-22-14-03-23-11, na may kabuuang premyo na P102,346,298.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Ultra Lotto 6/58 draw na ang lumabas na mga numero ay 02-18-28-19-41-26, at umabot sa P94,914,130.40 ang premyo.

Wala ring masuwerteng nakahula sa mga numerong lumabas sa isa pang major draw na Superlotto 6/49 na 21-43-47-17-45-19, na mayroon namang jackpot prize na P48,050,797.

Samantala sa isang pahayag din ng PCSO nitong Martes, sinabing nakuha na ng mananaya na tumama sa Megalotto 6/45 draw noong May 21, 2025, ang napanalunan nitong premyo na umaabot sa P70 milyon.

Mula umano sa Biñan, Laguna ang mananaya na tinamaan ang winning combination na 10-18-19-23-25-28.

Matagal na umanong tumataya sa lotto ang lalaki mula pa noong 1995, at ngayon lang pinalad na manalo ng jackpot.

Sa larawan ng winning ticket, na apat na kombinasyon ng mga numero ang tinayaan ang lalaki na nagkakahalaga ng P80.000.-- FRJ, GMA Integrated News