Sa Talisay City, Cebu tinayaan ang winning ticket na tumama ng P102 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, June 3, 2025.
Sa isang post sa Facebook ng PCSO Games Online Hub, nakasaad na sa isang lotto outlet sa South Town Center tinayaan ang ticket na ang lumabas na kombinasyon ay 05-22-14-03-23-11, na may kabuuang premyo na P102,346,298.
Solong nanalo ang naturang mananaya sa Cebu.
Samantala, solo ring napanalunan ng isang mananaya ang P21.749 million jackpot sa Megalotto 6/45 draw ngayong Miyerkules, June 4, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na mga numero ay 42-28-04-29-10-30 na may kabuuang premyo na P21,749,042.20.
Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand lotto 6/55 na ang lumabas na mga numero ay 53-26-03-22-01-06, at may premyong P29,700,000. -- FRJ, GMA Integrated News