Timbog ang isang lalaki matapos siyang makitang may hinahawakang shabu umano habang nagla-livestream sa social media sa Mabalacat, Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali, mapanonood ang bahagi ng livestream ng lalaki, kung saan may hawak siyang sachet ng nasabing droga.
Napanood ito ng pulisya, kaya sila agad nagsagawa ng buy-bust operation.
Nadakip ang lalaki at dalawang iba pa, na naaktuhan namang gumagamit ng ilegal na droga umano.
Nakumpiska sa mga inaresto ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga P40,000.
Patuloy ang pagsusuri para makumpirma kung shabu nga ang nahuli sa mga suspek, na hindi pa nagbibigay ng pahayag. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News
