Ibinahagi ng mga bagong ka-“Bubble” na sina Cartz Udal, Aaron Maniego, Aly Alday, Erika Davis, at Jona Ramos, kung paanong nagsisilbi sa kanilang inspirasyon si Michael V. sa set ng “Bubble Gang.”
Sa guesting nila sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Biyernes, ibinahagi nila ang kanilang natutuhan mula sa Kapuso comedy genius.
Ayon kay Aaron, natutuhan nilang alisin ang “sense of control” sa tuwing gumagawa sila ng skit.
“We're trying to unlearn po 'yung sense of control kasi in terms of trying to create a skit or trying to make someone laugh meron po kaming set na format po kasi sa utak po namin. 'Ay ganito 'yung nakakatawa, ganito dapat, ganito,' 'yun 'yung in-u-unlearn namin,” sabi niya.
Para naman kay Jona, natutuhan niyang tumigil kapag bumibitaw siya ng punchline.
“Yung mag-pause. Ibig ko po sabihin, tulad ng sinabi niya, meron kang alam na banter, jokes, and whatnot, ganiyan, but kailangan mag-p-pause ka kasi aantayin mo 'yung right timing,” paliwanag ni Jona.
Si Aly naman, sinabing inspirasyon sa kaniya si Michael V o Bitoy dahil nakita niya rito ang humility o kababaang-loob.
“I think he is an inspiration para sa akin because despite being Michael V. po, I saw him as a very humble person na laging maaga, laging very down to earth at nakikisama sa amin. I think that is something I learned and I will forever learn kasi that’s humility na very hard to isaloob sa sarili mo. So ‘yun ang natutunan ko," saad niya.
Si Erika naman, natutong mag-relax at maging natural, gaya ng ipinayo sa kaniya ni Paolo Contis.
“Actually, this is something I learned recently lang. Medyo ‘yung nerves ko, I was kinda excited. So ina-advice ako ni Paolo Contis na kailangan ko talagang mag-relax minsan. Kasi minsan I get too excited and it kinda comes off not natural. So sometimes what I learned is to take a deep breath, in and out, and let all the nerves and all the excitement out so it comes off natural," aniya.
Sa parehong interview, ibinahagi ng cast members ang karanasan nila nang mag-audition para sa Bubble Gang. Ikinuwento ni Jona na aksidente lamang ang audition niya para sa Kapuso gag show.
“Accidental eh. Ito po after ko na malaman kay Madam Diego. Sabi niya nagbabasa daw po siya ng script na ang ‘itim ng tuhod mo’ pero nasa mic,” pag-alala ni Jona.
“Nakaharap na po ako. Tapos sabi niya ‘Ang itim ng tuhod mo’ tapos sabi ko ‘Huy sino ‘yun. Hala.’ Gumano’n po ako. Tapos sabi niya sige ‘Ayan na ‘yung ano mo,'” pagpapatuloy niya.
Si Aaron naman, na kilala sa mga nakatutuwa niyang skits sa social media, sinabing nakita niya ang audition sa online, kaya sinubukan niya ito.
“Nakita ko po online ‘yung audition and I wanted to take a shot on it kasi ‘yun din 'yung ginagawa ko sa social media,” sabi ni Aaron.
Inimpluwensiyahan naman si Cartz ng kaniyang lola na mag-audition.
“Ako po nananahimik lang ako sa social media, kaso tinulak ako ng lola ko na baka ngayon ikaw naman ang puwedeng maging bida,” sabi niya.
Nasa showbiz industry na si Erika bago pa siya mapasali sa "Bubble Gang," na sinabing sineryoso niya ang audition.
“I’ve been in showbiz now for almost four years. So it’s not my first audition, pero when I heard the auditions for ‘Bubble Gang' — the prior auditions I did I never took it seriously — but when I decided to audition for ‘Bubble Gang’ and I saw that they are accepting new talents, I decided why not give it a try,” pagbabahagi niya.
“So when I was accepted for the final audition and [they] gave me a script, I said kailangan ko talaga itong seryosohin,” pagpapatuloy ni Erika.
Tulad ni Erika, tatlong taon nang artista si Aly nang mag-audition sa “Bubble Gang” matapos bumida sa isang music video para sa gag show.
“I came from the province and three years ago, kinuha ako dito para mag-artista. I’ve been in the industry for three years and recently kinuha ako sa isang music video,” ani Aly.
“Sabi nila, they see a potential in me so they asked me to audition for ‘Bubble Gang’ kasi the music video was for ‘Bubble Gang,’” dagdag pa ni Aly.
Napanonood ang Bubble Gang tuwing Linggo ng 7:15 p.m. sa GMA Network. – FRJ GMA Integrated News
