Nasawi ang isang 37-anyos na pulis na nakatalo ang kaniyang asawa, matapos siyang mabaril ng kaniyang biyenan sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nagtatalo noon ang mag-asawa, nang maagaw ng misis ng pulis ang baril at iniabot ito sa kaniyang ina.

Nagtungo sa garahe ang pulis, na sinundan ng mag-ina.

Hanggang sa mabaril na ng ina sa tiyan ang kaniyang manugang.

Hawak na ng pulisya ang suspek, na hindi pa nagbibigay ng pahayag. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News