Nasawi ang isang 44-anyos na babae matapos siyang pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa loob ng kaniyang kotse sa Caloocan City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing malapit na sana sa kaniyang bahay ang biktima sa isang subdivision sa Barangay 169.

Ngunit ilang saglit lang, pinagbabaril ang biktima ng isang nakasakay sa motorsiklo.

Anim na basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin. —Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News