Sinabi ni US President Donald Trump nitong Huwebes na plano niyang dalhin ang bakbakan ng Ultimate Fighting Championship sa White House sa 2016 bilang bahagi ng 250th anniversary ng deklarasyon ng kalayaan ng kanilang bansa.
Malapit na kaibigan at tagasuporta ni Trump si Dana White, na presidente ng UFC, na isang uri ng mixed martial arts sports.
Ginawa ni Trump ang anunsyo sa kaniyang talumpati sa Iowa state fairgrounds, na nagsilbing paunang aktibidad para sa mga selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Hulyo 4.
"We're going to have a UFC fight, think of this, on the grounds of the White House," sabi ni Trump sa mga taong dumalo sa pagtitipon.
"We have a lot of land there. We are going to build a little - we are not, Dana (White) is going to do it ... we are going to have a UFC fight, championship fight, full fight, like 20-25,000 people, and we are going to do that as part of 250 also," dagdag pa niya, patungkol sa anniversary ng kanilang kalayaan.
Madalas na nanonood ng mga laban ng UFC si Trump, at kamakailan lamang ay dumalo siya sa ginanap na laban sa New Jersey noong Hunyo.
Hindi agad nagbigay ng komento ang UFC at ang parent company nitong TKO Group Holdings TKO.N, kaugnay sa sinabi ni Trump. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News