Kasabay ng paggunita ng Buwan ng Wikang Filipino ngayong Agosto, nagtalaga ang Malacañang ng bagong tagapangulo sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ngayong Huwebes, kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na si Atty. Marites Barrios-Taran na ang bagong tagapangulo ng KWF.

Wala pang ibinigay na dahilan si Castro kung bakit pinalitan ni Barrios-Taran si Arthur Casanova, na naging tagapangulo ng KWF noong Enero 2020, kapalit ng National Artist for Literature na si Virgilio Almario.

Sa isang post sa social media, tinanggap ng KWF si Barrios-Taran bilang bagong tagapangulo nito.

Samantala, itinalaga naman si Maria Lourdes Choa-Fagar, bilang bagong general manager ng state-run na People’s Television Network.

Dating pinamunuan ni Choa-Fagar ang Television and Production Exponents Inc. — Jamil Santos/Anna Felicia Bajo/FRJ GMA Integrated News