Dalawang barko ng China na bumomba ng tubig at humabol sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagbanggaan sa West Philippine Sea (WPS) nitong Lunes. Sa kabila ng ginawang panggigipit sa PCG, nag-alok pa rin ang mga tauhan nito ng tulong sa Chinese personnel.
Ayon kay PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, nasa WPS ang barko ng PGC na MRRV 4406 (BRP Suluan) para magbigay ng tulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc nang habulin at bombahin ito ng tubig ng China Coast Guard. Mayroon din barko doon ng Navy ng China na humabol sa barko ng PCG.
“During the operation, Philippine vessels and fishermen encountered hazardous maneuvers and blocking actions from other vessels in the vicinity,” kuwento ni Tarriela. “In particular, the MRRV 4406 (BRP Suluan) was targeted with a water cannon, but the seamanship skills by PCG crew members allowed the vessel to successfully evade from getting hit.”
Ayon kay Tarriela, kasama ng BRP Suluan ang BRP Teresa Magbanua at MV Pamamalakaya, sa pagpapatupad ng tinatawag na “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” na inisyatiba para magbigay ng tulong [tulad ng krudo] para sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.
Matapos ang pagbomba ng tubig, nagsagawa umano ng mapanganib na pagmaniobra at pagharang ang CCG vessel 3104 at People's Liberation Army Navy (PLA Navy) ship 164, pero ang dalawang barko ng China ang nagkabanggaan.
“The CCG 3104, which was chasing the BRP Suluan at high speed, performed a risky maneuver from the PCG vessel's starboard quarter, leading to the impact with the PLA Navy warship,” ayon kay Tarriela.
Sinabi rin ni Tarriela na nagtamo ng matinding pinsala ang CCG.
PCG Implements Kadiwa Operation in Bajo de Masinloc and Offers Assistance to CCG Following Maritime Incident
— Jay Tarriela (@jaytaryela) August 11, 2025
In response to the presence of around 35 Filipino fishing vessels in Bajo de Masinloc, the Philippine Coast Guard (PCG) deployed the BRP Teresa Magbanua and BRP Suluan,… pic.twitter.com/5Hqkye1zli
“Following the collision, the PCG immediately offered support, including assistance with man-overboard recovery and medical aid for any injured CCG crew members,” saad ng opisyal.
Gayunman, hindi umano tumugon ang CCG crew sa alok na tulong ng PCG.
“Meanwhile, the MRRV 9701 safely escorted the Filipino fishermen to a secure location, where they are now being provided with essential fuel and supplies,” dagdag ni Tarriela.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuhanan ng pahayag ang Chinese Embassy tungkol sa nangyaring insidente.
Sinabi ni Tarriela na naituloy ng mga tauhan ng PCG ang pagkakaloob ng tulong sa mga mangingisdang Pinoy.
“Na-gather na ng BRP Teresa Magbanua, ito ‘yung isang barko na kasama ng BRP Suluan, ang mahigit kumulang na 35 Filipino fishing vessels,” sabi niya sa panayam ng GTV News Balitanghali.
“Tumatanggap sila ngayon ng ayuda from the government, especially fuel and even yelo para mas matagal makapangisda sa Bajo de Masinloc,” dagdag niya. — mula sa ulat ni Joviland Rita/Sundy Locus/FRJ GMA Integrated News
