Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang pasok sa mga paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, at ilang pang lalawigan sa Martes, August 26, 2025 dahil sa masamang panahon.
"#WalangPasok ang lahat ng antas sa public at private schools at mga tanggapan ng gobyerno sa mga sumusunod na lugar bukas, Agosto 26, 2025 (Tuesday)," ayon sa DILG.
Bukod sa Metro Manila, ang mga lalawigan na walang pasok ay:
- Metro Manila
- Aurora
- Quezon
- Rizal
- Laguna
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Masbate
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Leyte
- Southern Leyte
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Batangas
- Cavite
Ayon sa 4 p.m. weather forecast ng PAGASA, makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang Habagat at low pressure area.
I-refresh ang page para sa update. — mula sa ulat ni Mariel Celine Serquiña/FRJ GMA Integrated News

