Gumayak na mga halimaw, buwayang nakakulong at multo ang grupo ng kabataan sa People Power Monument bilang kanilang pagprotesta laban sa korapsyon nitong Sabado.

Sa ulat ni Jamie Santos sa 24 Oras Weekend, sinabing nanawagan ang grupo ng mga kabataan na panagutin ang mga korap na kawani ng gobyerno.

May dala-dala rin silang lapida.

Idinaan naman sa pagbusina ng kanilang mga sasakyan ang mga hindi makasali sa protesta upang ipakita ang pakikiisa sa laban kontra korapsyon.

Samantala, nagprotesta rin laban sa korapsyon ang mga senior citizen na dumalo sa isang Misa sa EDSA Shrine.

Matapos nito, nagdaos din sila ng mall walk at photo opportunity bilang kanilang pananawagan para sa tapat at malinis na pamahalaan.

Nananawagan din silang bawiin mula sa mga kontratista at tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga kinurakot umanong pondo ng bayan. Sa halip, gamitin ito para sa kalusugan, edukasyon, pabahay at kompensasyon sa mga nabaha.

Samantala, dumating din si Akbayan party-list Representative Chel Diokno sa People Power Monument para makiisa sa ginagawang kilos-protesta. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News