Umusad si Alexandra "Alex" Eala sa susunod na Round of 16 matapos niyang talunin si Katie Boulter ng Great Britain, 6-4, 2-1, na nagkaroon ng injury sa kanilang laban sa Round of 32 sa Prudential Hong Kong Tennis Open sa Hong Kong, China.

Dahil hindi na kayang ituloy ni Boulter ang laro at lamang si Eala sa second set (2-1), at panalo rin siya sa unang set (6-4), nakuha ng Pinay tennis star ang panalo.

Sunod na makakalaban ni Eala, No.51 sa world ranking, sa Round of 17 ang No. 3 seed sa torneo na si Victoria Mboko ng Canada, at No. 21 sa mundo.

Ang Hong Kong Open, na isang WTA 250 tournament, ang pinakahuling sasalihang torneo ni Eala ngayong season. —FRJ GMA Integrated News