Kailangang maghanda muli ang mga motorista sa inaasahang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
“Based on the four-day trading in MOPS, without yet the cost of doing business by the oil companies and other premiums, we will be expecting an increase in the prices of petroleum products by next week,” ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero nitong Biyernes.
Ang tinatayang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay:
Gasolina – nasa P1.20 per liter
Diesel – nasa P2.15 per liter
Kerosene – nasa P1.75 per liter
Ayon sa opisyal ng DOE, ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng mga palatandaan ng pagluwag ng tensyon sa kalakalan ng US at China. Gayundin ang mga pinataw na parusa ng UK, US, at European Union laban sa Russia.
Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, at ipatutupad sa susunod na araw ng Martes
Nitong nakaraang Martes, Oktubre 28, nagpatupad din ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis na ?1.20 kada litro sa gasolina, ?2.00 sa diesel, at ?1.70 sa kerosene.— mula sa ulat ni Ted Cordero/FRJ GMA Integrated News

