Kasalukuyang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital si dating Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, at hindi maganda ang kalagayan, ayon sa kaniyang anak na si Katrina nitong Martes.

"Dad is in the ICU pa po. He isn't doing too good," saad sa ipindalang mensahe ni Katrina sa GMA Integrated News

Una rito, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada, na may "very reliable source" siya na nasa ICU at may pneumonia ang nakatatandandang Enrile at may "slim chances of surviving"

Ipinaalam ni Estrada ang naturang impormasyon sa plenary session ng Senado.

"Mr. President, I have just received a very, very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile, is currently in the intensive care unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia," ani Estrada.

"I heard from a very, very reliable source that he has slim chances of surviving," dagdag niya.

Nag-alay ng maigsing dasal ang Senado para kay Enrile sa sesyon, na pinangunahan ni Senador Joel Villanueva.

Ipinagdiwang ni Enrile ang ika-101-taong-gulang nitong nakaraang Pebrero. — Giselle Ombay/Anna Felicia Bajo/FRJ GMA Integrated News