Pumanaw na ang beteranang aktres at humanitarian na si Rosa Rosal sa edad na 97, inanunsyo ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Sabado.

"With deepest sadness, the Philippine Red Cross announces the passing of Governor Rosa Rosal," pagbabahagi ng ahensiya sa Facebook.

Inalala ng Philippine Red Cross si Rosal para sa kaniyang mga pagsisikap at kontribusyon bilang miyembro ng board of governors ng PRC.

"For over 7 decades, Gov. Rosal devoted her life to the service of the Red Cross. She championed voluntary blood donation across the country, strengthened PRC’s welfare services, and used every platform she had to promote compassion, volunteerism, and the protection of the most vulnerable," saad nito.

 

"Gov. Rosal leaves behind a legacy of genuine service, dignity, and love for humanity, a legacy that will continue to guide the Philippine Red Cross and inspire generations of volunteers," dagdag ng Philippine Red Cross.

Sinabi ng ahensiya na iaanunsyo ang mga detalye ng burol ni Rosal sa sandaling maisapinal ang mga pag-aayos.

Pinarangalan din ni Richard Gordon, chairman at chief executive officer ng PRC, si Rosal, na sinabing ang humanitarian ay isang "devoted and iconic volunteer whose life was defined by compassion and unwavering service."

"Through her tireless advocacy, she helped create a national consciousness for voluntary blood donation, inspiring countless Filipinos to give the gift of life," dagdag ni Gordon.

Kinilala ni Gordon si Rosal, na nakatanggap ng Ramon Magsaysay Award, para sa kaniyang gawaing humanitarian at habambuhay na dedikasyon sa serbisyo publiko.

Natanggap din ni Rosal ang Order of the Golden Heart (Grand Cross) noong 2006 mula sa noo'y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

"Gov. Rosal leaves behind a legacy of compassion, dignity, and selfless service. The Philippine Red Cross extends its deepest condolences to her family and loved ones," sabi ni Gordon.

Ipinanganak bilang Florence Lansang Danon, si Rosal bilang isang aktres ay kilala sa kaniyang hindi mabilang na mga papel sa pelikulang Pilipino, kabilang ang Himala ng Birhen (1947), Anak Dalita (1956), Badjao (1957), Biyaya ng Lupa (1959) at Esperanza: The Movie (1999).

Nakatanggap din si Rosal ng 2012 U.P. Gawad Plaridel para sa kaniyang natatanging kontribusyon sa industriya ng broadcasting, lalo na sa larangan ng telebisyon.

Nakatanggap si Rosal ng Best Actress award mula sa Filipino Academy for Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong 1955 para sa kaniyang papel sa Sonny Boy, at ng FAMAS International Prestige Award para sa pelikulang Anak Dalita noong 1956. Nanalo rin ang Anak Dalita ng Best Picture sa Asian Film Festival sa Hong Kong, na nakakuha rin ng Presidential Citation mula sa yumaong Presidente Ramon Magsaysay.

Kabilang sa ilang mga pioneering film star na tumawid sa telebisyon noong 1960s, regular na napanood si Rosal sa dramatic series ni Cecille Guidote Alvarez na Balintataw at pinagbidahan ni Ronald Remy sa Iyan Ang Misis Ko noong 1970s.

Kalaunan, dinala ni Rosal ang kaniyang volunteerism at altruism sa telebisyon noong Disyembre 1, 1975 sa pamamagitan ng Kapwa Ko, Mahal Ko ng GMA 7 kasama sina Orly Mercado at Antonio Talusan. Nag-host din si Rosal ng Damayan sa Channel 4 noong 1976.

Kilala si Rosal sa kaniyang walang kapagurang pagsisikap sa PRC, kung saan siya ay naging boluntaryo at miyembro para sa blood program nito mula pa noong 1950s at kalaunan ay nahalal sa Board of Governors nito noong 1965 at nasa board pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Itinaguyod ni Rosal ang donasyon ng dugo at pagpapaganda ng mga pasilidad, ospital, at klinika ng Red Cross. —KG GMA Integrated News