Umusad ang tambalan nina Alexandra “Alex” Eala at Indonesian na si Janice Tjen sa semifinals ng Abu Dhabi Open doubles event matapos talunin sina Zhang Shuai ng China at Cristina Bucsa ng Spain, 6-3, 6-3, sa quarterfinals.

Nakamit nina Eala at Tjen ang tagumpay, ilang oras lang matapos na mabigo naman ang Pinay tennis star sa kaniyang singles competition laban kay Ekaterina Alexandrova sa kanilang quarterfinals match.

Isang oras at anim na minuto lamang ang kinailangan nina Eala at Tjen upang pataubin ang kanilang mga kalaban at masiguro ang puwesto sa susunod na round.

Sa unang round, tinalo nina Eala at Tjen ang tambalan nina Kristina Mladenovic at Leylah Fernandez, 7-5, 3-6, 10-6.

Haharapin ng Southeast Asian duo para sa semifinals sina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain. – FRJ GMA Integrated News