Isang babaeng nagra-rally ang sugatan matapos mabagsakan ng drone sa ulo sa gitna ng kilos protesta sa People Power Monument sa Quezon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing tumugon ang mga awtoridad para bigyan ng paunang lunas ang babae, saka siya dinala sa ospital.

Ayon sa inisyal na impormasyon sa Quezon City Police District, drone ng organizers ang bumagsak sa babae.

Kinumpiska na ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang drone.

Patuloy ang pag-iimbestiga sa insidente. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News