Inilibing na nitong Sabado si Juan Ponce Enrile—ang chief presidential legal counsel ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at dating Senate president—sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Bago ang libing, idinaos ang isang funeral Mass sa Santuario de San Antonio Church sa Makati City na dinaluhan ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta.
Pumanaw si Enrile noong Nobyembre 13 sa edad na 101 habang napapaligiran ng kaniyang pamilya, ayon sa kaniyang anak na si Katrina Ponce Enrile.
Dating Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, inihimlay na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. | via Christian Maño pic.twitter.com/0uR7VxLaO7
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 22, 2025
Pinarangalan siya ni Pangulong Marcos bilang ''one of the most enduring and respected public servants our country has ever known.”
“Sa loob ng mahigit 50 taon, inialay ni Juan Ponce Enrile ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa sambayanang Filipino, tinutulungan ang bansa sa pagharap sa ilan sa pinakamahirap at pinakamakabuluhang yugto nito,” anang pangulo.-- FRJ GMA Integrated News
