Nasawi ang isang 84-anyos na babae matapos magkasunog sa kanilang ancestral home sa Kabankalan, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali, sinabi ng mga awtoridad na may kasama ang biktima sa kanilang bahay.

Gayunman, nasa ikalawang palapag ang kaniyang kuwarto kaya hindi na siya makalakad.

Hindi na nailigtas ang senior citizen dahil sa laki ng apoy. Tuluyan ding nasunog ang bahay.


Patuloy na inaalam ang posibleng pinanggalingan ng apoy na nag-iwan ng mahigit P400,000 pinasala.

Sinisikap pang kunin ang pahayag ng pamilya ng biktima. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News