May nakitang prima facie evidence o basehan ang Department of Justice (DOJ) para irekomenda na sampahan ng kaso ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 21 iba pa ng kidnapping with homicide at/o kidnapping with serious illegal detention kaugnay ng pagdukot umano sa ilang nawawalang mga sabungero.

Ayon sa DOJ, irerekomendang kasuhan sina Ang at iba pang respondent ng 10 counts ng kidnapping with homicide at 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention.

Ang mga mahaharap sa kasong kidnapping with homicide ay sina:

  • Charlie Tiu Hay Ang, o Atong Ang
  • Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa
  • Rogelio Borican Jr.
  • Rodelo Anig-ig
  • Mark Carlo Zabala
  • Ronquillo Anding
  • Police Senior Master Sergeant Joey Natanauan Encarnacion
  • Police Executive Master Sergeant Aaron Cabillan
  • Police Master Sergeant Michael Jaictin Claveria
  • Police Senior Master Sergeant Mark Anthony Aguilo Manrique
  • Police Senior Master Sergeant Anderson Orozco Abary
  • Police Staff Sergeant Edmon Hernandez Muñoz
  • Police Major Philip Almedilla
  • Police Lieutenant Henry Sasaluya
  • Police Chief Master Sergeant Arturo Dela Cruz
  • Police Senior Master Sergeant Farvy Opalla Dela Cruz
  • Police Senior Staff Sergeant Alfredo Uy Andes
  • Police Corporal Angel Joseph Martin
  • Jezrel Lazarte Mahilum
  • Emman Cayunda Falle
  • Julious Tagalog Gumulon
  • Police Master Sergeant Renan Lagrosa Fulgencio

Samantala, sasampahan naman para sa kasong kidnapping with serious illegal detention sina:

  • Charlie Tiu Hay Ang, o Atong Ang
  • Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa
  • Police Master Sergeant Michael Jaictin Claveria
  • Rodelo Anig-ig
  • Rogelio Borican Jr.
  • Police Staff Sergeant Alfredo Uy Andres
  • Police Major Philip Simborio Almedilla
  • Police Senior Master Sergeant Joey Encarnacion
  • Police Executive Master Sergeant Aaron Cabillan
  • John Does (patungkol sa mga hindi pa tukoy n pulis na kasama grupo ni Orapa)

“As to the other respondents, the case/s were dismissed without prejudice to the refilling of any complaint with the Department of Justice should future evidence arise linking them directly to the acts of unlawful detention,” ayon sa DOJ.

Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ng DOJ na isasampa ang kaso sa mga regional trial court, kabilang sa Lipa City, at Santa Cruz at San Pablo sa Laguna.

Tinawag naman ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal na "...deeply flawed and grossly unfair to the accused," ang rekomendasyon ng DOJ.

Maghahain din umano ng motion for reconsideration ang kampo ni Ang.

Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng iba pang mga taong nabanggit sa ulat.

Si Julie “Dondon” Patidongan, dating security chief sa ilang sabungan ni Ang, ang nag-ugnay sa negosyante at iba pa, na umano’y  sangkot sa mga pagdukot sa mga nawawalang sabungero mula 2021 hanggang 2022.

Ayon kay Patidongan, mahigit 100 sabungero umano ang dinukot at pawang mga patay na.

Nauna nang itinanggi ni Ang ang naturang mga paratang ng dati niyang tauhan.

Noong Agosto, nagsampa ng reklamo ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero laban kay Ang at 60 iba pa para sa mga kasong multiple murder, serious illegal detention, at iba pa. — Vince Angelo Ferreras/FRJ GMA Integrated News