Inilahad ni Andres Muhlach na hindi pa siya nagkakaroon ng nobya at personal na desisyon niya raw ito.

Sa pagbisita niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, tinanong ng King of Talk si Andres kung nagkaroon na siya ng kasintahan.

"Hindi pa, Tito Boy. That's my choice naman," saad ng binata.

Ipinaliwanag ni Andres na abala siya sa trabaho sa mga nakalipas na taon.

Tinanong din ni Tito Boy si Andres kung nasubukan na ba niyang manligaw, na ang naging tugon ng binata, “In the past, I have naman. I can't lie and say that I have not."

Si Andres ang kakambal ni Atasha, at mga anak nina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach.

Pinasok ni Andres ang show business noong 2024, at kasama siya ngayon sa 'Bagets the Musical'  —Carby Rose Basina/FRJ GMA Integrated New