Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood sa isang video noong Disyembre 11 na hinabol at ilang beses na pinalo ng isang lalaki ang aso.
Ilang saglit pa, isa pang lalaki ang humila sa aso na mistulang wala nang malay.
Isang grupo ng animal welfare advocates ang gumamot sa aso na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.
Namatay ang aso makaraan ang apat na araw.
Inihahahanda ng grupo ang reklamong isasampa sa laban sa lalaking nanakit sa aso.
Umamin ang lalaki sa pamamalo sa aso, matapos niya ito makitang hinabol ang kaniyang anak.
Iginiit ng lalaki na hindi niya sinasadyang mapatay ang aso. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
