Nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Biyernes ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Maria Catalina Cabral, na isang mahalagang tao sa gitna ng iskandalo sa flood control.
Sa isang pahayag, sinabi ng ICI na sisikapin ng imbestigasyon na walang foul play sa pagkamatay ni Cabral. Ayon sa pulisya, nasawi ang dating opisyal ng DPWH matapos mahulog umano sa Benguet.
“Should authorities determine one, it is possible that those responsible may also be connected to the anomalous infrastructure projects,” sabi ng komisyon na itinatag ng Palasyo.
Hinimok din ng ICI ang mga ahensiyang pagpapatupad ng batas na agad na siguruhin at pangalagaan ang lahat ng mga dokumento, gadget, at computer ni Cabral para sa posibleng digital forensics examination.
“Usec. Catalina Cabral was one of the central figures in the on-going investigation of anomalous government infrastructure projects. As the former undersecretary for planning, she was no doubt privy to vital information,” dagdag nito.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang komisyon sa naulilang pamilya at mga kaibigan ni Cabral.
Noong Disyembre 11, sinabi ni ICI spokesperson Brian Hosaka na iimbitahan ng ICI si Cabral bilang resource person sa imbestigasyon nito sa mga proyektong hindi akma at hindi maayos ang kalidad sa flood control. Aniya, maaaring imbitahan ang dating opisyal ng DPWH na dumalo sa pagdinig noong Disyembre 15 ngunit hindi nakatanggap ng anumang kumpirmasyon ang ICI mula kay Cabral.
Noong Huwebes ng gabi, natagpuang "unconscious and unresponsive” si Cabral mga 20 hanggang 30 metro ang lalim mula sa highway, ilang oras matapos niyang hilingin sa kaniyang driver na ibaba siya sa isang bahagi ng Kennon Road.
Sinabi ng hepe ng Tuba Municipal Station na si Police Major Peter Camsol na idineklara ng isang doktor ng munisipyo na patay na si Cabral sa pinangyarihan sa tabi ng Ilog Bued 12:03 a.m. nitong Biyernes.
Inatasan ng Tanggapan ng Ombudsman ang mga awtoridad sa Benguet na siguruhin ang cellphone at iba pang mga gadget ni Cabral matapos matagpuan ng pulisya na wala siyang malay at hindi tumutugon sa tabi ng isang ilog noong Huwebes ng gabi.
"The Ombudsman’s office directs the authorities in Benguet to take custody of and preserve the cellphone and other gadgets of former Usec. Cathy Cabral," sabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano.
"The same is to be turned over to the investigators at the proper time," dagdag niya.
Sinabi ni Police Colonel Lambert Suerte, provincial director ng pulisya ng Benguet, na nasa kaniyang pamilya ang cellphone ni Cabral.
???????????????????????????????????????? ???????? ????????????????????????, ????????????????????????????-????????????????????????
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 19, 2025
Nasa pamilya pa rin ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral ang cellphone nito, ayon sa Benguet Police Provincial Office (PPO). pic.twitter.com/VWZRaKZC7z
Noong Setyembre, inanunsyo ni DPWH Secretary Vince Dizon na nagbitiw si Cabral sa kaniyang pwesto sa kasagsagan ng imbestigasyon sa kontrobersiya sa flood control kung saan siya nasasangkot.
Sa isang affidavit na binasa sa Senate Blue Ribbon Committee ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, isinangkot niya ang ilang mambabatas at dating opisyal ng DPWH, kabilang si Cabral, sa pangongolekta ng mga kickback mula sa mga maanomalyang proyekto. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News

