Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na hindi politikal ang kaniyang pagbisita sa Naga City kundi bahagi ng serbisyo publiko sa gitna ng mga usapin na kinokonsidera ang dating bise presidente at Mayor ng Naga City na si Leni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo sa pambansang halalan sa 2028.
Katabi si Robredo habang iniinspeksyon ang mga gawain sa flood control, ito ang inihayag ni Marcos bilang tugon sa isang tanong mula sa mga reporter kung siya ay "forging alliances" kay Robredo.
“Alam mo hindi namin pinag-uusapan iyun. I think mayor will agree with me na serbisyo muna bago politika,” sabi ng Pangulo.
Dagdag pa ni Marcos, “The most political thing that we did today, I wore my pink socks in honor of Mayor Leni.”
Tinutukoy ni Marcos ang kulay rosas na ginamit ni Robredo sa kaniyang kampanya sa pagkapangulo ngunit natalo ni Marcos noong 2022 presidential election.
“We have been planning this for a few months already since the situation in Naga is critical due to its location and heavy volume of rain in the region,” sabi ni Marcos.
Tumanggi si Marcos na magbigay ng komento sa mga sumunod pang tanong tungkol sa isyu.
“Again, again this is all politics, I will not going to, we’re not going to… What we are here for is to try and find solutions to this very important, very critical problem not only in Naga City and CamSur and for that matter for the whole of Bicol. That is what we are concentrating on.”
Bago nito, inilahad ni Robredo na sigurado siyang hindi tatalakayin ni Marcos ang mga usaping politikal sa kanilang pagkikita. —RF GMA Integrated News

