Base sa resulta ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source na ang mga tinatayang pagbaba sa presyo ng gasolina ang mga sumusunod:
- Diesel - P5.50 hanggang P6.50 kada litro
- Gasolina - hindi nagbago sa P1.00 kada litro
Epektibo nitong Martes, Abril 7, itinaas ng mga kompanya ng langis ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ng P6.00 kada litro, P19.80 kada litro, at P9.10 kada litro, batay sa pagkakasunod.
Ito ang ika-14 na paggalaw ng presyo para sa 2026 na nagresulta sa kabuuang netong pagtaas na P54.20 kada litro para sa gasolina, P109.85 kada litro para sa diesel, at P8.20 kada litro para sa kerosene.
Naganap ang inaasahang pagbaba sa presyo ng gasolina matapos ang dalawang linggong tigil-putukan na napagkasunduan ng Estados Unidos at Iran.
Sumang-ayon si US President Donald Trump sa isang ceasfire sa Iran wala pang dalawang oras bago ang kaniyang deadline para sa Tehran na muling buksan ang Strait of Hormuz o harapin ang mga pag-atake sa mga sibilyang imprastraktura nito.
Sinabi ni Trump na ang huling-minutong kasunduan ay saklaw sa kasunduan ng Iran na itigil ang pagharang nito sa mga suplay ng langis at gas sa pamamagitan ng kipot na sinusuplayan ang halos ikalimang bahagi ng pandaigdigang suplay.
Sa kaniyang bahagi, sinabi ni Iran foreign minister Abbas Araqchi na ititigil ng bansa ang mga kontra-atake at papayagan ang ligtas na pagdaan.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. nitong Miyerkoles na sasamantalahin ng Pilipinas ang dalawang linggong tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran para matiyak hangga't maaari ang suplay ng petrolyo ng bansa.
''So we will take full advantage of the two weeks to increase our supply as much as possible and to continue to make whatever arrangements are possible. We are all hoping and praying that the two-week ceasefire will extend further if the talks go well,'' sabi ni Marcos.
Inanunsyo rin ni Marcos ang P10 kada litrong subsidy sa gasolina para sa mga pampublikong sasakyan (PUV) upang maibsan ang pasanin ng mga drayber at operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina. —Jamil Santos/ VAL GMA News

