Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang ikulong ng mahigit isang linggo ang kaniyang at binugbog pa umano sa Antipolo, Rizal.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing naaresto ang suspek sa kanilang bahay nitong Linggo.
Batay sa Antipolo Police, naganap ang pagkulong at pambubugbog ng lalaki sa kaniyang nanay noong Enero.
Umamin ang lalaki sa ginawa niyang kasalanan at humingi siya ng tawad sa kaniyang ina.
Ayon sa suspek, nasaktan niya noon ang ina matapos maniwala sa mga sumbong na gumagamit siya ng droga. Depensa niya, matagal na siyang hindi nagdodroga.
Nakabilanggo sa Antipolo Police Station ang suspek, na mahaharap sa mga reklamong serious illegal detention at physical injury. – Jamil Santos/FRJ GMA News
