Tumanggi ang GoreBox developer na si Felix Filip, ang indibidwal sa likod ng mobile game na iniuugnay ng mga awtoridad sa nakamamatay na pamamaril sa paaralan sa Tacloban City, na dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa trahedya.
“Nakakadismaya na pinili ni Mr. Filip na huwag dumalo sa darating na hearing namin lalo na’t marami sana akong gustong malaman mula sa kanya mismo,” sabi ni Senator Risa Hontiveros nitong Biyernes.
Sinabi ni Hontiveros, na siyang ang chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na hihingiin niya ang tulong ng German Embassy para mapadali ang pakikilahok ni Felix Filip sa imbestigasyon ng lehislatura na itinakda sa susunod na linggo, Hulyo 1.
“My committee remains open to facilitate his attendance and participation in our investigation in case he changes his mind. Hindi dito nagtatapos ang aming pagnanais na marinig siya,” dagdag ni Hontiveros. —Jamil Santos/ VAL GMA News

