Inanunsyo ni LeBron James nitong Biyernes na lilipat siya sa koponan ng Philadelphia 76ers para sa kaniyang ika-24 na season sa NBA, na magdadagdag pa kaniyang rekord bilang player na may pinakamaraming season sa liga.

Ginugol ng all-time leading scorer ng NBA ang nakaraan niyang walong season sa Los Angeles Lakers, kung saan pinangunahan niya ang koponan sa pagkapanalo ng kampeonato noong 2020.

Bago nito, nagkaroon siya ng dalawang magkahiwalay na yugto sa Cleveland Cavaliers at apat na taon sa Miami Heat.

"This is my last decision. I’m not going for money. I’m not going for family. What am I really playing for at this point? I still want to sacrifice. I still want to work. I still want to grind. I still want to compete, to win and to have a chance at the feeling of winning another championship," saad ni James sa social media.

"I believe I can help make the Philadelphia 76ers a championship team and I am so excited to energize a new fan base and start this incredible journey one last time," dagdag niya.

Sa kaniyang edad na 41, patuloy na nagpapakita si James ng mataas na antas ng paglalaro sa liga. Noong Marso, nalampasan niya ang rekord ni Robert Parish para sa pinakamaraming nalaro sa regular season sa kasaysayan ng NBA.

Noong Pebrero, napili rin siya sa All-Star Game sa ika-22 sunod na pagkakataon, na isa ring rekord sa liga. Sa nakaraang season, nagtala siya ng average na 20.9 puntos, 6.1 rebounds, at 7.2 assists sa loob ng 60 laro.— ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News