Diretsahang sinagot ni Anton Vinzon ang tanong kung may balak ba siyang ligawan ang Lapillus member na si Chanty, leading lady niya sa GMA series na “Kamao.”

“Wala pa po kami sa gano'n. Nagsisimula pa lang ‘yung show. Gusto ko pa siyang makilala.

And para sa akin, we're just friends muna. Friends,” sagot ni Vince kay Tito Boy sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Si Tito Boy, tinanong naman si Chanty tungkol sa kung halimbawang ligawan siya ng aktor, sagutin naman kaya niya si Anton?

“Right now, hypothetically, of course, no,” saad ng dalaga. “But if my parents will give me the blessing, why not?”

Napanonood ang "Kamao" mula Lunes ng hanggang Biyernes sa ganap na 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng "Born To Shine." – Jamil Santos/FRJ GMA News