Mula sa pagiging tween actor, isa na ngayon ang "Mulawin Vs Ravena" star na si Derrick Monasterio sa mga hottest leading man ng Kapuso Network. Balikan kung papaano siya nagsimula sa showbiz sa programang "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos.
Taong 2010 nang unang napanood si Derrick sa youth oriented show na "Tween Hearts" kung saan ginampanan niya ang role na isang campus bully.
Dahil sa magandang pagtanggap ng publiko sa "Tween Hearts," ginawan din ito ng pelikula na "Tween ACademy, Class of 2012."
Dito raw na-realized ni Derrick na kilala na talaga siya ng mga tao dahil sa dami ng mga nagpupunta sa kanilang mall shows.
Kuwento ni Ken Chan tungkol kay Derrick, "Siya yung tao na makulit in a good way. Makulit, kasi siya yung nagpapabuhay ng grupo, siya yung kahit puyat na lahat mag-iingay siya para mabuhay, ma-energize yung lahat."
Napasama rin siya sa iba't ibang telefantasya show tulad ng "Dwarfina," "Paroa: Ang Kwento ni Mariposa, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at marami pang iba.
Nasubok din ang husay niya sa pagkanta at pagsayaw sa mga variety show ng GMA.
Itinuturing niyang big break ang pagiging lead star sa adventure-comedy-fantasy program na "Tsuperhero."
Sa naturang programa umano nadama ni Derrick na mahalaga siya sa network nang ialok sa kaniyang ang proyekto.
Nang tanungin kung ano ang aral ng tunay na buhay ni Derrick, tugon ng aktor, "Matuto kang maghintay, maging patient ka kasi darating din sa'yo 'yan sa tamang panahon. And 'pag dumating sa sa'yo i-grab mo, 'wag mo nang pakawan, pagbutihin mo." -- FRJ, GMA News
