Isang napakagandang regalo raw para kay Kapuso star Derrick Monasterio na makitang marami sa kanyang mga fans ang naaaliw sa kanyang karakter na si Almiro sa telefantasyang Mulawin vs. Ravena.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Unang Balita" nitong Martes, makikitang nagbihis Almiro at nag-perform pa ang mga lalaking fans ni Derrick sa isinagawang birthday mission ng aktor kamakailan.

"Sobrang na-feel ko na importante ako sa kanila dito, na na-inspire ko sila, through [Mulawin vs. Ravena]."

"Ibang klase. Nakaka-goosebumps na talagang nanonood sila ng show. Na gusto nilang maging ako," pagpapatuloy pa ng aktor.

Sumabak naman si Derrick sa Millennial Challenge kung saan hinulaan niya ang mga kahulugan ng "IKR," "FTW," at "ICYMI."

Ayon pa kay Derrick, kailangan daw subaybayan ang mga kaabang-abang pang eksena sa Mulawin vs. Ravena.

"Napakadami pong fight scenes. Abangan po nila kung paano ipagtatanggol ng mga Mulawin ang mga tao laban sa mga Ravena na nanggugulo."

"At kung babalik pa ang tiwala ng Avila kay Gabriel at 'yung mga kilig moments namin nina Anya." — Jamil Santos / AT, GMA News