Sino ang makakalimot sa kantang "Mangarap Ka" at "Next in Line" ng Afterimage?
"Salamat" ng The Dawn? At "Paglisan" ng Color It Red?
Muling mapapakinggan ang mga classic hits na ito ng mga kabataan dahil magsasama-sama ang mga music icons sa isang throwback concert.
Ayon sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Biyernes, muling magpe-perform sina Wency Cornejo, Naldy Padilla, Dong Abay, Cooky Chua, Paco Arespacochaga, Jett Pangan, Perf De Castro, Lei Bautista, at Medwin Marfil.
"Sabi ko, why not try to get my friends together for a show. 'Yun muna nakatanim sa utak ko. We presented it to Solaire and they took it,” ani Wency Cornejo, dating vocalist ng Afterimage.
"I'm very exhilarated kasi first time na ganito karaming artist-singers from different bands galing ng panahon na 'yun (90s) na magsasama sama,” pahayag naman ni singer Medwin Marfil.
Ayon sa mga '90s music icons, excited silang maabot ang bagong henerasyon ng fans upang lalo pa silang makapagbigay inspirasyon.
"We're always flattered 'pag merong mas bata na ginagawa uli 'yung mga awitin namin. It breathes new life into the songs we created years ago," sabi ni Wency. — Jamil Santos / AT, GMA News
