It's all about body ang naging paksa sa Grab-A-Word game nitong Lunes sa segment "Mars Sharing Group" ng "Mars," kung saan naki-join ang mga Kapuso celebrity na sina Sanya Lopez at Boobsie.

Ibinahagi ng dalawa, kasama ang mga host na sina Camille Prats at Suzi Abrera, kung sino ang mga personality na nais nilang makapalitan ng kili-kili, legs at labi.

Isiniwalat din sina Sanya at Boobsie kung kaninong dibdib at braso ang gusto nilang haplusin. Panoorin ang masayang episode ng "Mars."

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

 

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News