Mula nang pumanaw ang mister, mag-isang itinaguyod ng ina ang kaisa-isa niyang anak na may Down Syndrome, na avid fan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat nang siya ang mapalad na mapili sa "Sugod-Bahay" segment ng "Eat Bulaga" nitong Miyerkules.

May bonus pa na katuparan ng kanilang mga pangarap: ang makita nang personal si Bossing Vic Sotto.

Matupad na kaya ito ngayong Sabado? —Jamil Santos/JST/FRJ, GMA News