Tuluyan nang namaalam ang ginagampanang karakter ni Heart Evangelista na si 'Alwina' sa telefantasyang 'Mulawin vs Ravena' matapos makipaglaban kay Reyna Rashana ng mga Ravena.

Sa Starbites report ni Nelson Canlas sa "Balitanghali" nitong Biyernes, sumabay pa umano ang pamamaalam ng mga netizen sa social media kay Alwina.

Bagama't nalungkot si Heart sa pagkamatay ng kanyang karakter, nagpapasalamat naman siya sa lahat ng sumuporta sa kaniya.

Pero kahit nagwakas na ang karakter niya sa "Mulawin Vs Ravena," muling mapapanood si Heart sa bago niyang proyekto sa upcoming series na "'My Korean Jagiya". -- Jamil Santos/FRJ, GMA News