Umabot na sa 16 milyon views ang video post sa Facebook ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," tungkol sa Pinoy-Australian filmmaker na si Jojo de Carteret, na kahit 30 taon na ang nakalipas mula nang ampunin at dalhin siya sa Australia, ay hindi sumuko sa paghahanap sa kaniyang tunay na ina sa Pilipinas.
Balikan ang kuwento ng nakakaantig na paghahanap at pagtatagpo ng mag-inang Herminia at Jojo, na nakatawag din ng pansin maging ng news agency sa Australia.
WATCH: Matuldukan na kaya ang pangungulila ni Jojo sa hinahanap na ina?
-- FRJ, GMA News
