Ang Barangay LS 97.1 ang pinaka-pinakikinggang FM station sa Mega Manila, batay sa pinakabagong survey ng Nielsen Radio Audience Measurement.

Batay sa survey, nakapagtala ng 22. 2 percent average audience share ang Barangay LS nitong Mayo.

Mula 6:00 am sa Lunes hanggang Biyernes, tinututukan na ng mga ka-barangay ang programang "Potpot and Friends, na sinusundan ng "Radyo Nobela" ni Papa Dudut, at ang "Sikat sa Barangay" ni Mama Belle na hanggang tanghali.

Simula naman nitong Hunyo, ipinakilala na rin ng Barangay LS ang bagong line-up ng kanilang mga DJ sa afternoon block para magbigay pa ng saya sa mga tagapakinig.

Kahit sa gabi hanggang sa magpa-morningan, at abutin man ng weekend, tuloy-tuloy ang musika at saya sa Barangay LS.

Kagigiliwan ang iba mga programa gaya ng "Talk to Papa" (12 NN to 3:00 PM) nina Papa Obet at Papa Marky; "Three Play" (3:00 to 7:00 PM) nina Mama Emma at Ate Liza;  "Bida Sa Barangay" (7:00 to 9:00 PM) ni Papa Carlo; na susundan ng "Wanted Sweetheart" (until 12 midnight) ni Papa Bol.

Samahan din sina Papa Buboy"Hoy Pinoy" (3:00 AM) at "Wow Sayaw" (5:00 AM) mula Lunes hanggang Linggo; si Papa Marky sa "Talk Back" (12:00 MN).

Barangay LS' mix naman sa weekend sa mga programang "Balita sa Barangay," "Barangay Showbiz," "All-Star Request," "The Big 10," "Barangay Love Stories," "Saturday Three Play," "Saturday Top 3," "Bida sa Barangay," "Senti Sunday," "Barangay Love Songs," "Old Time Good Time," "Radyo Nobela," "Sakto Mismo," at "Barangay Idol." -- FRJimenez, GMA News