Kasabay ng kaniyang pagbabago bilang si Jake Zyrus mula sa dating Charice Pempengco, nagkaroon din ng pagbabago ang mga laman ng kaniyang bag. Alamin kung ano ito.
Tatlong taong mula nang aminin niya na isa siyang lesbian, inihayag kamakailan ng international singer ang kaniyang pagiging transman bilang si Jake.
Sinabi ni Jake sa nakaraang panayam na nagpaalis na siya ng dibdib at nag-i-inject ng male hormones.
Inihayag din niya sa panayam ni Nelson Canlas sa "Balitanghali" nitong Lunes, na pinag-iisipan din niya ang gender reassignment pero hindi pa raw sa ngayon.
"In the future I guess I have to go through the same tests again," aniya.
Pero paglilinaw din ni Jake, pang-screen name lang ang bago niyang pangalan.
At sa kaniyang pagbabago bilang si Jake mula sa dating Charice, nagbago na rin ang laman ng kaniyang bag.
Kung dati ay spraynet at brush ang dala niya para sa buhok, ngayon ay pomada na at panlalaking suklay.
Nandoon din ang kaniyang wallet, vape na pang-alis stress, gadget, pabango at shades.
"Kapag aalis ako ng bansa kailangan dalawang malaking maleta dala mo kasi kailangan marami kang dalang mini skirt at heels tsaka gowns," ani Jake. -- FRJ/KVD, GMA News
