May sorpresang inihahanda sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang fans sa nalalapit na second anniversary ng kanilang tambalang "AlDub."
Sa Chika Minute report nitong Miyerkules sa "24 Oras," tiniyak ni Maine na matutuwa ang AlDub nation sa pasabog nila ni Alden sa darating na Sabado sa "Eat Bulaga."
Bukod sa kanyang bagong libro, busy na rin si Maine sa upcoming movie nila ni Alden.
Katunayan, sumasalang na raw sila sa iba't ibang training gaya ng muay thai at boxing.
Samantala, sinabi naman ni Maine na pansamantala lang ang pag-alis niya sa "twitterworld."
"Nasanay ako na nagche-check talaga ng Twitter every morning at bago ako matulog. And minsan talaga sobrang dami ng negativity doon so parang nag-quit... ano lang naman 'di naman permanently. Babalik din siyempre," paliwanag niya.
Pakiusap naman niya sa mga netizen, "Maging productive kayo kaysa manira ng kapwa." -- FRJ, GMA News
