Nagkipag-ayos na ang "That's My Bae" member na si Miggy Tolentino sa nakaalitan niyang referee sa sinalihang basketball game sa kanilang barangay sa Caloocan City.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikitang nagharap na sa barangay sina Miggy at ang sinugod niyang referee na si Tonton Fajardo.
Umamin naman sa pagkakamali at nag-sorry si Miggy, na tinanggap naman ng kaniyang nakaalitan.
Pag-amin ng "Trops" star, nadala lang siya ng mga pangyayari kaya sinugod at nakapaglabas ng kutsilyo.
Mensahe naman ni Miggy sa kaniyang fans, "Sa mga na-disappoint ko na namba-bash, pasensiya rin po sa inyo. Ipinapangako ko po na hindi na ito mauulit." -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
