Inihayag ni Pambansang Bae Alden Richards na matindi ang ginagawa niyang paghahanda para sa bagong project niya kasama si Maine Mendoza.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabi ni Alden na kaabang-abang ang kanilang upcoming project kaya naman workout sa umaga at martial arts training sa gabi ang palagi niyang inaatupag.

"Upcoming project po naming dalawa na involved ang physical fitness and fight stance. Abangan n'yo po iyan," ayon kay Alden.

Kapansin-pansin pa ang macho guwapito at magandang pangangatawan ni Alden, nang makasamang magperform si Sinon Loresca para sa #DABARKADSGOALS nitong Sabado sa Eat Bulaga.

Sinabi pa ni Alden na busy rin siya sa rehearsals para sa month-long second anniversary celebration ng Sunday PinaSaya.

Sa Linggo sa SNBO, mapapanood ang kanyang first major concert na "Upsurge." —Jamil Santos/ALG, GMA News