Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, pigil ang hininga ni Philip Fariñas at kaniyang mga pinaniniwalaang kapatid nang basahin ang resulta ng DNA test na ginawa sa kaniya upang ganap na matuldukan ang katanungan kung siya na talaga ang nawawala nilang kapatid na 26 na taon nilang hinanap.
Kahit marami sa mga kuwento ni Philip ang tugma sa mga kuwento tungkol sa kaniyang naging buhay mula nang mawala, at malaki ang paniwala nila na siya ang nawawala nilang kapatid, nagpasya ang magkakapatid na sumailalim sila sa DNA para matuldukan kung mayroon man mga pag-aalinlangan.
READ: 'KMJS': Ang emosyonal na pagbabalik ni Philip Fariñas na 26 na taong hinanap ng mga kapatid
Matatandaan na isang lalaki rin ang inakala nilang si Philip ang isinailalim nila noon sa DNA test pero nagnegatibo ang resulta sa pagsusuri at lumitaw na hindi nila ito kapatid.
Bagaman isinailalim nila sa DNA test si Philip na natagpuan sa Davao City, binigyan ng mga Fariñas ng welcome home party ang nawalang kapatid, kung saan nag-uwian pa mula sa ibang bansa ang ibang miyembro ng pamilya.
Sa kabila ng labis na kasiyahan, hindi pa rin naiwasan na bumuhos ang luha ng magkakapatid lalo na nang dalawin nila ang puntod ng kanilang mga magulang.
Mula sa kanilang bayan sa Ilocos Sur, nawala ang batang Philip nang magpunta sa Maynila kasama ang kanilang ama at ate. Si Philip na nga ba na nakita sa Davao City ang nawawalang kapatid ng mga Fariñas? Panoorin ang emosyonal na pagtuldok sa kuwentong ito na tinutukan ng "KMJS:"
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
