Matapos ang pitong taon na paghahanap, matutuldukan na nga kaya ang pangungulila ni Rohani Za sa kaniyang nawawalang anak na si Ram-ram. Panoorin ang ginawang pagsubaybay ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa paglabas ng resulta sa kanilang DNA test?

Pitong taon na ang nakararaan nang tangayin sa kanilang bahay ng isang mag-asawa ang noo'y tatlong-taong-gulang pa lang na si Ram-ram.

Unang itinampok sa "KMJS" ang paghahanap ni Rohani Za sa kaniyang anak nang lumabas sa social media ang isang larawan ng isang batang ISIS sa Marawi na inakala niya at mga netizen na si Ram-ram.

Sinamahan ng staff ng "KMJS" si Rohani Za nang nagtungo sa Marawi para humanap ng ilang impormasyon tungkol sa pinaniniwalaang batang ISIS.

Lumapit din siya at humingi ng tulong sa militar.

Pero matapos lumabas ang unang pagtalakay ng "KMJS" tungkol kay Ram-ram, nakakuha ng impormasyon si Rohani Za tungkol sa isang bata sa Tondo, Maynila na sinasabing tunay na si Ram-ram.

Hindi nag-aksaya ng oras ang ina at pinuntahan ang bata, na nang kaniyang makita ay kombinsido siya na ito ang nawawala niyang anak.

Pero hindi kaagad ibinigay ng social welfare department kay Rohani Za ang bata dahil kailangan munang matiyak na ito talaga ang kaniyang anak na si Ram-ram kaya isinailalim sila sa DNA testing.

At sa episode ng "KMJS" nitong Linggo, inilabas na ang resulta.

Mag-ina nga kaya sina Rohani Za at ang batang nakita sa Tondo? Kung mag-ina nga sila, papaano kaya ang gagawing nilang adjustment para mapalapit muli sa isa't-isa? Payagan din kaya ni Rohani Za ang babaeng umampon at nag-alaga kay Ram ram na madalaw nito ang bata? Panoorin:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News